Jorge Cariño, ABS-CBN News
Jorge Cariño is a senior correspondent for ABS-CBN News.
He has been at the forefront of coverage of the biggest disaster, conflict and national security stories in the country for more than 2 decades including the Ampatuan massacre in 2009— the deadliest single attack on journalists in world history.
He joined ABS-CBN in 1994 on his fourth attempt. He started as a news writer for DZMM before becoming part of the roster of “Radyo Patrol,” with the callsign RP27.
He moved to TV News in 2004 and continues to work in the police and military beats. He was an anchor for the network’s long-running morning news show, "Umagang Kay Ganda" — one of many shows axed in the programming grid after the network shutdown.
Kung ang mga salitang ‘balisa’ at ‘tensyon’ ay naglalabas ng masamang amoy tuwing ito’y sumusulpot sa dibdib at isip ayon sa umiiral na kundisyon, baka lumusot na sa vent ng aircon ng sasakyan ko ‘yong masangsang na amoy habang papasok ako sa Sgt. Esguerra gate ng ABS-CBN noong Biyernes ng hapon, petsa singko de Mayo, taong 2020.
Nakauwi na ako noon at nasa bahay dahil maagang natapos ang coverage tungkol sa isang pamilya na nagluluto ng pagkain at nagbebenta online.
Kahigpitan pa ng Enhanced Community Quarantine noong panahon na ‘yon. Bihira ang tao sa labas at kung meron man, naghahanap ng mahihingan ng tulong para pantawid ng gutom.
‘Yong pamilya ni Julie Bongayon, 'pag may umorder ng pagkain, papa-sobrahan niya ang luto at kapag may madaanang tao sa kalsada, binibigyan niya ng pagkain. Ganda ng istorya: “Kawanggawa, kakulangan ng ayuda, sa gitna ng pandemya.”
Pero naputol ang pagmumuni-muni ko nung makakita ako ng instagram story na sina Boss Carlo Katigbak na Presidente ng ABS-CBN at iba pang company executives ay nandoon sa newsroom.
“Oo, nandito siya. Punta ka na,” sabi ng desk editor ko na si Miranda De Quiros.
“Sige na. Baka kailangan ka doon,” sabi ng Misis kong si Daisy na hindi na nagtanong kung ano ang nangyayari.
Umalis agad ako, pero mabagal kong pinatakbo ang sasakyan para makalma ko din ang sarili ko. Ayokong magmadali, ayokong mabalisa, ayokong madaganan ng tensyon. Pero ‘di naman porke’t sinabi kong ayaw ko, masusunod.
Hindi maipinta ang hitsura ng newsroom na dinatnan ko. May mga paroo’t parito at may mga dalang scripts, nagmamadaling pumunta sa video editing, sa gumagawa ng graphics, pero meron din namang iba na tahimik at malungkot ang mukha na nakatunganga sa TV habang tinatalakay ni Henry Omaga-Diaz sa DZMM Teleradyo ‘yong Cease and Desist Order ng National Telecommunications Commission laban sa on-air operations ng ABS-CBN sa radyo at TV.
“O, Jorge Carino! Nandito ka,” bungad sa akin ng boss kong si Ging Reyes. Nakangiti si boss at sinabi ko na lang na nag-aalala ko sa nakita ko.
“Baka kasi boss alisin sa lineup 'yung istorya ko,” ang pilit kong pagbibiro para lang mapagaan ang sitwasyon. Tumawa sya, wala na daw talaga sa lineup at NTC Order na ang tema ng TV Patrol.
“'Wag kayong umiyak, baka mahawa ko. We prepared for this. Papasok tayo bukas” sabi niya, eksaktong 6:34 p.m., bago umupo at tumipa sa computer at ilatag ang closing spiel na babasahin ni Kabayan sa dulo ng TV Patrol.
Luminga ako sa kabilang dulo ng newsroom at nandoon sina Direk Lauren Dyogi, Cory Vidanes, Kim Atienza at Mark Lopez na Chairman ng ABS-CBN. Bumati sila sa akin noon. Lumapit ako para ibalik ang bati. Nakangiti sila at kalmado. Nag-request ako na mag-selfie.
“Jorge, I’m gonna make you a promise. There’s gonna be a happy picture after that,” sabi sa akin ni CLK pagkatapos ang aming selfie, 6:44 p.m.
Hindi ko alam kung gusto lang ni CLK na kumalma ako kaya niya sinabi 'yun.
Naghiwalay kami noong gabi na iyon, na bitbit ko ang kanyang pangako. Pangako na madalas bumabalik sa ala-ala ko, lalo’t papalapit ulit ang a-singko ng Mayo.
https://news.abs-cbn.com/spotlight/05/04/21/abs-shutdown-singko-de-mayo
No comments:
Post a Comment