Tuesday, May 4, 2021

‘I still can’t believe wala nang MOR, DZMM sa radyo’

DJ Chacha


DJ Chacha (Czarina Marie Balba-Guevarra in real life) made her name as the “Nag-iisang Diyosa Sa Balat Ng Radyo” on ABS-CBN’s Manila FM station, My Only Radio (MOR) 101.9 For Life! It was still called “Bespren! 101.9” when she started there in 2008.


Hosting a popular late-night call-in show on FM, Chacha later transitioned to the AM band as a showbiz segment reporter on DZMM TeleRadyo.


Before ABS-CBN’s radio channels were switched off, she played tandem to broadcaster Ted Failon in the AM primetime show “Failon Ngayon sa DZMM,” alongside her “Dear MOR” program on FM.


In October 2020, she and Failon moved to Radyo5, but she has not entirely cut off her connection to ABS-CBN. She hosts the MOR online program “Chacha Tonight” on live streaming app Kumu.


This is a transcript of Chacha’s interview with reporter Anjo Bagaoisan, with portions edited for length.


A year ago, May 5, nasa bahay ako niyan. Kakapanganak ko lang kay Lexi ng February. Ang maternity leave ko supposedly was one month, but since nag-lockdown, we had to work from home.


Ang nagsabi sa akin actually ‘yong asawa ko, kasi siya ang nanonood ng news.


Bago pa mangyari ‘yan, may mga iniyak na ako. Naabisuhan na kasi kami na most likely na ganoon ang mangyayari. 


Pero siyempre hindi mo pinapakita iyon, hindi mo siya pwede ipakita on air.


Dami-daming tumatakbo sa isip ko noon. Nagtawag ng meeting ang mga boss namin sa MOR. Ang ingay sa group chat ng MOR. Nagmumura na ang ibang DJs, tapos ang iba emotional na. Siyempre ‘yong iba, single parent, ‘yong iba andaming hinuhulugan.


We all love the company, and isang mahirap lang doon is, nasa gitna tayo ng pandemic and biglang hindi mo na alam what will happen tomorrow kung may ipantutustos ka sa pamilya mo, and most of my fellow DJs are breadwinners.


Sa meeting, sinabi nga na basically as is tayo, the show must go on, ‘yong mga shows natin dapat tuloy pa rin ‘yan. 


Sabi nga nila, kung kayang hindi ipahalata na you guys are hurting, ‘wag na lang. Huwag na lang pag-usapan on air. 


Ako talaga, ang sinabi ko noon sa boss ko, sabi ko, “Sir hindi ko talaga kaya. Ngayon ko lang sasabihin sa inyo na hindi ko kayang hindi siya mapag-usapan on air."



Pero alam mo, in a light way pero nakita pa rin sa mukha ko ng listeners and viewers sa Facebook that time na sobrang devastated at nasaktan talaga ako.


I remember kasama kong umere noon 'yong dalawang DJs namin, si China Heart and si Bobzilla. Si China Heart pa nga parang nagmura pa yata siya. Hindi talaga niya napigilan ang sarili niya that time. 


Pero ako, kinukuwento ko lang sa mga listeners, bakit ganito ang nangyari sa amin, it’s so unfair na sa dami ng kompanya na may ginagawang hindi maganda at may nagawang kasalanan, bakit ganito ang ginawa sa atin? Kung totoo man ang sinasabi nilang mayroon tayong ginawang kasalanan, mayroon tayong pagkukulang as a company--and I believe lahat naman ng company may pagkukulang—hindi lang tayo ang ganoon na may pagkukulang. Pero bakit tayo lang ang isinara? It’s really unfair.


Ngayon na kinukwento ko ito parang bumabalik ang emotions ko last year, noong time na nagpoprograma ako, same day alam ko na na walang prangkisa ang anytime isasara ang kompanya and anytime pwede ako mawalan ng trabaho.


Pero sinigurado naman ng mga boss namin na hindi naman tayo pababayaan ng ABS-CBN. During that time sinasabi pa nila na parang may plano para sa atin, ready tayo para sa shutdown. So lahat kami naniniwala na hindi mawawala ang MOR.


Hindi naman talaga nawala ‘yong MOR pero alam mo, kahit pa online si MOR ngayon, siguro ‘pag taong radyo ka—ako kasi radio person ako—kahit pa may online content pa rin ang MOR noong after the shutdown and ngayon na wala na ako sa MOR, iba pa rin e, na umeere ka sa radyo. 


Iyon siguro ‘yong pinakamasakit sa akin. Kasi first love ko ang radyo and first love ko ang MOR, at kaya ako sa ABS-CBN because of MOR, kaya ako nagkaroon ng DZMM also because of MOR.


Isang buwan, noong nasa Radyo Singko na ako at TV5 na ako, on my way home and going there sa Mandaluyong, ‘yong 101.9 sa radyo, paulit-ulit kong chine-check kung may tunog ba, may music ba? 


Parang in denial lang ako. Baka naman charot lang na wala kami sa ere. 


Up to now I really still can't believe na wala na ang MOR sa radyo, wala na ang DZMM sa radyo. Pero wala e, kailangan ituloy ‘yong buhay.


Kaya hanggang ngayon, kahit wala na ako sa MOR, ‘yong mga tropa kong DJs ‘pag nagpoprograma sila, bigla na lang ako pumapasok sa mga Zoom meetings nila. As in bigla na lang akong umeere sa MOR programs online. Ganoon, as in walang pasabi, ‘pag trip ko lang na mag-ere, bigla na lang ako pumapasok sa programa ni DJ Onse.


And hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na aalis ako sa ABS-CBN. Kasi parang na-picture ko na sa utak ko na tatanda ako sa istasyon. 


Lagi ko pa nga sinasabi sa mga listeners ko, siguro mawawala man ako sa ibang platform—TV, online—pero sa radyo, hanggang pagtanda ko gagawin at gagawin ko pa rin siya. ‘Yong kahit ilang taon na ako ayan ‘yong bagay na nae-enjoy kong gawin. Isang araw mong ipagawa sa akin ‘yan, mapapagod ako, ipapahinga ko lang nang konti pero hahanap-hanapin pa rin siya ng katawan ko.


Nalulungkot pa rin ako para sa mga ibang katrabaho ko na hanggang ngayon wala pa ring work.


‘Yong MOR Manila ang may pinakamaraming DJs sa buong bansa, kami talaga iyon, more than 20 DJs yata kami. And a lot of them are still unemployed hanggang ngayon. 


They are still thriving in trying to work things out para sa kanya-kanyang pamilya nila. Pero karamihan sa kanila hindi pa rin talaga okay ang buhay ngayon—financially, emotionally, and mentally hindi sila okay.


Nalulungkot ako para sa kanila, kasi hindi naman sila basta lang katrabaho, ‘di ba? Labindalawang taon ng buhay ko kasama ko sila—most of them. Siguro ako, maswerte ako kasi mayroon agad kumanlong na istasyon sa akin. Kahit ‘yong iba na may trabaho na alam ko na ang gusto nilang gawin, magradyo, and napipilitan sila ngayon na gawin iyong ibang bagay kahit hindi nila gusto kasi kailangan nila kumita ng pera. 


Lagi ko pa ring kinukumusta ang mga ka-work ko especially si DJ Onse. Lagi kong tinatanong, “Kumusta kayo diyan?” “Ano na'ng balita?” “Ano na'ng plano?” “May plano bang marinig kayo sa ibang frequency ng istasyon?” 


Pero kahit wala na ako sa ABS-CBN, feeling ko andoon pa rin ako. 


Mayroong show na in-offer sa akin sa Kumu. And alam naman natin ngayon na naghihingalo nang sobra ang ABS-CBN. So hindi ko na inisip ang pera. Araw ng pahinga ko ‘yon every Sunday iyon.


Pero kung tinatanong ako ng mga kaibigan ko bakit mo kinuha, ambaba ng budget na ‘yan (noong una pa nga wala pang TF ‘yan). Pero kinuha ko siya parang ‘yon ‘yong bagay na pakiramdam ko, everytime ginagawa ko siya nasa MOR pa rin ako at may ABS-CBN pa rin.


Sa totoo lang, ayoko nang balikan ‘yon— ang moment na sinabi na wala tayong franchise at hindi tayo bibigyan ng franchise.


Kasi months before ng May 5, alam na natin na iyon ang kahihinatnan. And months before May 5, sobrang physically and emotionally drained na ang lahat ng empleyado ng ABS-CBN especially those people na diyan na tumanda.


Pero kahit bago pa dumating ang May 5, ‘yong akala mo OK ka na, akala mo tanggap mo nang hindi ka bibigyan ng franchise, grabe, sobrang sakit pa rin.


After May 5 nagkaroon ng meeting ang MOR, ang ine-expect ng lahat may mare-retain, may maiiwan. Pero noong sinabi sa amin na wala, talagang isasara ang MOR, hindi talaga kaya, ‘‘yon talaga ang pinakamasakit— mas masakit pa noong sinabi na wala kayong franchise. Mas masakit ‘yong walang matitira sa MOR.


Noong meeting na ‘yon, lahat ng DJs umiiyak, lalaki, babae, matagal, baguhan. Sobrang grabe 'yong luha namin, 'yong iniyak namin.


Ang nagpapalakas ng loob natin that time is ‘yong mga Kapamilya natin, ‘yong mga taong malalapit sa atin.


Siguro maswerte ako that time kasi nandiyan 'yong asawa ko, nandiyan ‘yong mga anak ko, magulang ko, family ko. Naisip ko pa, may nakikita akong post ng mga empleyado na mag-isa lang sila. Wala silang pamilya sa tabi nila. And to go through something na kagaya ng pinagdadaanan natin na ikaw lang mag-isa, sobrang hirap noon. 


Whenever people ask kung ano'ng plano ko ‘pag bumalik ang ABS-CBN, ang lagi kong sinasabi sa kanila, “Well, let’s cross the bridge ‘pag andiyan na, kapag mayroon na talaga.”


Deep inside me, siyempre, miss na miss ko ‘yong ABS-CBN, gusto kong bumalik ang ABS-CBN. 


Naiisip ko, nagdadasal ako: "Lord bigyan mo na sila ng franchise kahit wala ako doon, kahit nasa ibang istasyon na ako ngayon.” Kasi ayoko nang magsuffer pa ng sobra 'yong mga taong hanggang ngayon nandidiyan pa rin. These people are family to me. 


Every time kasi kukumustahin ko sila, alam mo 'yong down pa rin sila hanggang ngayon. It’s been a year, pero kapag kinakausap ko ang mga tao na nandiyan.


Ang isasagot ng isa sa akin, “Ito, malungkot. Ibang-iba. Akala mo masaya kami na naiwan kami rito? Hindi. Masaya kami may trabaho kami pero sobrang ibang-iba. Hindi na gaya ng dati."


Kapag nagdi-drive ako tapos nadadaan ako diyan sa ABS-CBN, nalulungkot pa rin ako hanggang ngayon. Tayo nasa gitna tayo ng pandemic, wala ka talagang makikita na ingay at tao diyan. 


Pero ang lagi kong sinasabi sa mga tao, kung hindi kami sinara, hindi ganyan kalungkot ang ABS-CBN ngayon kahit may pandemya pa. Siguradong sigurado ako doon.


Hindi lang tayo 'yong naapektuhan. Pati ‘yong mga nagtatrabaho sa paligid, ‘yong mga nagtitinda ng fishballs, mga restaurants na nandiyan, ‘‘yong mga trabahador nila— pati mga ‘yon apektado.


Hopeful pa rin ako. Alam ko namang makababangon pa rin ang ABS-CBN and alam ko one day babalik at babalik sila sa ere.


Kung ako ang tatanungin gusto ko sana andoon ako pero siyempre hindi natin alam kung ano'ng pwedeng mangyari in the future. 


Anytime soon, kunwari ngayong taon, biglang nag-iba ang ihip ng hangin, biglang bigyan ng franchise ang ABS-CBN, kahit nakakontrata ako sa ibang istasyon, isa ako sa pinakamagiging masaya 'pag bumalik sa ere ang ABS-CBN.


Kahit hindi ‘yong mga taga-ABS, ‘‘yong mga viewers natin, mga listeners natin? Iba noong mga panahon na may ABS-CBN pa. At iba noong panahon na may MOR at DZMM pa.


Feeling ko mas naging madali siguro para doon sa mga naka-lockdown, para doon sa mga nalulungkot sa gitna ng pandemic, kung nasa ere pa rin 'yong ABS, MOR, at DZMM it will be easier for a lot of people.


Kasi ang entertainment, ang information na binibigay natin sa tao, hindi 'yon mapapantayan ng ibang istasyon. And I feel naman alam din ‘yon ng mga competing stations ng ABS-CBN.


Sa lahat ng mga nasa ABS-CBN pa rin ngayon, sa mga Kapamilya ko, sana OK lang kayo. ‘Yon lang. Sana OK kayo. 


https://news.abs-cbn.com/spotlight/05/04/21/abs-shutdown-i-still-cant-believe-wala-nang-mor-dzmm-sa-radyo

No comments:

Post a Comment