Sunday, August 8, 2021

TV Patrol Weekend livestream | August 8, 2021 Full Episode Replay

ALAM 'NYO BA?

January 1995 nang ginamit ng GMA Network ang kauna-unahang ELECTRONIC NEWS GATHERING (ENG) VAN sa PILIPINAS. 


Sa kalagitnaan ng taong 1994 inanunsyo ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) na GMA-7 ang napili nila bilang official broadcaster ng pagbisita ng dating Papa na ngayo'y si Saint John Paul II at kasabay nito ang World Youth Day na unang ginanap sa isang bansa sa Asya noong January 10-15, 1995.


Bilang paghahanda sa napakalaking okasyong ito, bumili ang GMA ng noo'y pinakamakabagong paraan upang mapabilis ang paghahatid ng balita nang LIVE sa anumang sulok ng MEGA MANILA gamit ang ENG VAN w/ microwave link and equipped with onboard video editing. Dahil dito naihatid ng GMA ng mabilis ang mga kaganapan saan man lugar na bumisita si Pope John Paul II.


Nagtapos ang makasaysayang araw na ito sa isang misa ng Santo Papa na ginanap sa Quirino Grandstand na dinaluhan ng mahigit 5 milyong katao. Ang coverage na ito ng GMA ay napanood ng LIVE sa buong mundo sa pamamagitan ng Centro Televisivo Vaticano at iba't-ibang Catholic channels na nagpalabas nito.


Sa sumunod na mga buwan mas nakita ang kahalagahan ng GMA ENG VAN nang ginamit ito sa coverage ng 1995 Election at sa mga bagyong dumating sa bansa. Ito ang naging konsepto ng noo'y 15-MINUTE NEWSCAST na SAKSI na unang umere noong October 2, 1995 na may mga LIVE REMOTE POINTS sa Mega Manila. Sa pagdaan ng Super Typhoon Rosing noong November 1995 na isa sa pinakamalakas na tumama sa Pilipinas nagamit din ito ng GMA News upang maihatid ng blow by blow coverage ang naturang bagyo sa SAKSI na mas tinutukan ng manonood sa noo'y namamayagpag na TV PATROL ng ABS-CBN.


Dahil na rin sa mga malalaking kaganapan sa iba't-ibang sulok ng bansa bumili rin ang GMA sa sumunod na mga taon ng mas modernong news gathering facilities gaya ng SATELLITE NEWS GATHERING (SNG) Van at Satellite dishes.


Ang pinakamataas naman na LIVE REMOTE ng isang Philippine network ay nagawa ng GMA noong May 2006 sa base camp ng Mount Everest para sa coverage ng pag-akyat ni Romi Garduce sa naturang bundok.

WATCH: PCSO 5 PM Lotto Draw, August 8, 2021

SALITA NG DIYOS, SALITA NG BUHAY - AUGUST 8, 2021

WATCH: PCSO 2 PM Lotto Draw, August 8, 2021

The Scorecard | January 23, 2025