Mainit ang naging pahayag ng aktres na si Alessandra de Rossi sa mga kritiko ng mga babaeng hindi pa ikinakasal o ‘di kaya’y wala pang anak.
Sa kaniyang Twitter account, binigyang diin ng aktres na iba-iba ang nais tahakin ng kababaihan sa kanilang buhay.
“BV na minsan when people make you feel you're less of a woman, bec you're not married or you don't have kids (yet) or a ring on your finger. Para bang.. Pwede bang ito yung path namin?!” ani De Rossi.
Hindi rin aniya alam ang sagot sa pang-beauty pageant na tanong tungkol sa kahalagahan ng isang babae. Biro pa niya, hindi rin niya alam ang kahalagahan ng kalalakihan.
“Sige, what is the essence of a woman? Malay ko! I don't even know the essence of a man! CHOT,” saad ng aktres.
Wala naman umano siyang problema sa mga babae na masaya sa pagkakaroon ng asawa at anak ngunit may iba rin na nagbibigay sa kaniya ng kaligayahan.
Paliwanag ni De Rossi, iba’t iba ang pwedeng makapagpasaya sa isang tao.
“If motherhood or getting married is the best thing that ever happened to you, I'm happy for you. I'm sure it is the happiest place to be. Pero okay naman ako sa Jollibee,” pahayag ng aktres.
“Kanya-kanyang trip lang 'yan. Naiiyak nga ako sa magandang sunset and it's also the best thing for me.”
Tanggap naman umano niya sa kung ano ang ibinigay sa kaniya ng Diyos lalo pa’t ang mahalaga sa kaniya ngayon ay ang kaligtasan ng kaniyang pamilya at hindi ang magkaroon ng lalaki.
“Stop feeling like you've made it because you're there na and I'm not.... And I seriously do not care. Whatever God gives me, I take it. Because I never asked for anything but my family's safety. I never prayed for a man or a career.”
No comments:
Post a Comment