May mensahe sina Angelica Panganiban at Kim Chiu para sa kanilang kaibigan na si Bela Padilla na nagdiwang ng kanyang kaarawan nitong Lunes, Mayo 3.
Sa kani-kanilang Instagram, nagbahagi sina Kim at Angelica ng mga retrato at video kung saan kita ang masayang bonding at kulitan nila kasama si Bela.
Maliban sa pagiging mahusay na aktres, pinuri ni Angelica ang pagiging mabuting tao ni Bela.
"This is the day na dapat malaman ng mundo na isa kang dancer -- hindi ka lang mahusay na aktres, matalinong tao, hanep na kaibigan, mapagmahal na anak. All in one package ka. Never stop learning momsie bels. Mahal kita," mensahe ni Angelica para kay Bela.
Para naman kay Kim, ibinahagi niya ang saya na makilala at maging kaibigan si Bela.
"You deserve all the love in the world dahil sobrang genuine mo na tao! I am super happy that I’ve met you in this lifetime and call you my friend! Pag magkasama tayo nakaka 1M plus tawa tayo daig pa natin nag work out or sit ups!!! literal yan walang palya!!! Cheers to more tawanan, kwentuhan, random lakad, messages and all!!! I am always here supporting you in everything that you do! happy din ako nahanap mo na ang Harry Styles of your life!!!!," ani Kim.
Sa post ni Bela nitong Lunes sa Instagram, ibinahagi ng aktres ang kanyang pasasalamat para sa kanyang espesyal na araw.
"Today, I’m grateful to be alive," ani Bela.
Nagsimula ang pagkakaibigan ng tatlo nang mang-gate-crash ng party noong 2017 sina Bela at Kim, na dinaluhan din ni Angelica.
"Galing kami sa isang birthday, tapos ayaw pa naming umuwi. Pumunta kami doon sa birthday ni direk Andoy Ranay na nandoon si Angelica. Ang saya-saya. Nagtawanan na lang kami hanggang sa lagi na lang kami lumalabas," kuwento ni Chiu.
No comments:
Post a Comment