Tuesday, May 4, 2021

KaladKaren, maayos ang kalagayan sa UK sa kabila ng pandemya

Sa kabila ng pandemya, ibinahagi ni KaladKaren na maayos ang kalagayan niya sa United Kingdom, kung saan siya ngayon nakabase kasama ang kanyang partner na Briton na si Luke Wrightson.


Sa "Magandang Buhay" nitong Martes, nagkuwento si KaladKaren sa sitwasyon ng kanyang pamumuhay sa ibang bansa.


"Siyempre mayroon pa ring pandemic. Marami pa ring cases ng COVID-19. Pero bago mag-Pasko kasi nagkaroon ulit ng national lockdown and I can say that after that the COVID situation has drastically improved. So medyo okay na okay na rito," ani KaladKaren.


"Marami nga ang nagtatanong sa akin kapag nagpo-post ako ng Instagram Stories bakit daw hindi kami naka-mask. Hindi kasi required mag-mask kapag nasa outdoor ka. Kapag papasok ka sa groceries, sa pharmacy, etc. doon ka lang magma-mask. Pero kapag nasa labas ka lang puwedeng hindi mag-mask. Nasa iyo 'yon kung magma-mask ka o hindi," dagdag ni KaladKaren.


Jervi Li sa totoong buhay, nakilala ang transgender woman sa kanyang panggagaya sa batikang brodkaster na si Karen Davila.


Setyembre noong nakaraang taon, inanunsiyo ni KaladKaren ang engagement niya kay Wrightson na ilang taon na niyang karelasyon.


Sa programa, ibinahagi rin ni KaladKaren ang saya at pasasalamat dahil patuloy ang kanyang trabaho kahit pa nasa ibang bansa na siya.


Si KaladKaren ang host ng "TrabaHanap" na mapapanood tuwing Sabado sa TrabaHanap Facebook page, TFC Asia, TFC Middle East at sa KUMU. 


"Second season na po ng 'TrabaHanap.' Nakakatuwa kasi answered prayer ito. Kasi nung pumunta ako rito sa UK, sabi ko, 'Paano na ang trabaho ko? Baka wala na akong income? Baka nganga na ako rito?' Fortunately naman nagkaroon tayo ng trabaho at naniniwala ako that God will always provide. Nakakatuwa kasi nakahanap ako ng trabaho sa 'TrabaHanap,'" ani KaladKaren.


https://news.abs-cbn.com/entertainment/05/04/21/kaladkaren-maayos-ang-kalagayan-sa-uk-sa-kabila-ng-pandemya

No comments:

Post a Comment

Kada Umaga | December 12, 2024