Friday, April 1, 2022

ABS-CBN bayad buwis muna bago makabalik sa ere — Duterte

Hindi makakabalik sa ere ang ABS-CBN hanggat hindi nagbabayad ng kanilang atraso sa buwis sa gobyerno.


Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa proclamation rally ng PDP-Laban sa Lapu-Lapu City, Cebu kamakalawa.


Sinabi ng Pangulo sa mga taga-Cebu na huwag maniwala sa ABS-CBN dahil hindi nagbabayad ang mga ito ng kanilang buwis.


Hindi aniya uubra sa kanya ang mga gimik ng nagsarang TV network para palitawing kinawawa sila ng kanyang administrasyon.


“Don’t believe in ABS-CBN, they dont pay their taxes. And until they pay their taxes, they will never get to go back on air again. Don’t mess with me. Thisnis how the rich play eh,” anang Pangulo.


Ikinuwento ni Pangulo Duterte sa mga taga-Cebu ang P300 milyon na utang ng pamilya Lopez sa Development Bank of the Philippines (DBP) na pinatawad o hindi pinabayaran matapos suportahan ang isang kandidato sa pagka-pangulo.


Sinabi ng Presidente na masakit para sa mga Pilipino ang nangyari dahil pera ng taong bayan ang inutang ng pamilya Lopez pero hindi nagbayad kahit sentimo dahil sa pabor na ibinigay ng sinuportahang Presidente.


“The Lopez loaned P300 million from the DBP. But after some time, the president they campaigned for condoned all the loans made by the owners, the Lopez. It was condoned, they didn't have to pay. That’s how painful it is,” dagdag ng Pangulo.


https://tnt.abante.com.ph/abs-cbn-bayad-buwis-muna-bago-makabalik-sa-ere-duterte/

No comments:

Post a Comment

The Scorecard | January 23, 2025