Walang balak si presidential aspirant Vice President Leni Robredo na ipatigil ang ilang programa ni Pangulong Rodrigo Duterte sakaling mahalal siya sa 2022, pero sarili niya raw na istilo ang ipatutupad.
Halimbawa, ang war on drugs ay tuloy pa rin pero hindi dapat nakatutok ang programa sa patayan. Mangunguna raw ang Dangerous Drugs Board (DDB) dito.
"Ang paniniwala ko, 'pag DDB iyong umupo na chair, ang plano niya hindi lang patay, patay, patay. Ang plano niya talagang very comprehensive, heavy on prevention, heavy on rehabilitation," ani Robredo.
Plano rin niyang ituloy ang "Build Build Build" program pero sa paraang mas marami ang makakaramdam ng epekto nito.
Nakikipag-usap na rin daw si Robredo sa mga electric cooperatives sa Kongreso para sa pagpapababa ng halaga ng kuryente, pagpapaunlad sa mass transportation, at pagsuporta sa mga jeepney driver sa modernization program ng pamahalaan.
May ilang supporters din ang nagpakita ng kanilang suporta kay Robredo sa pagbisita nito sa Sorsogon, na probinsiya ng kanyang ama.
—Ulat ni Adrian Ayalin, ABS-CBN News
No comments:
Post a Comment