Monday, July 26, 2021

#IbalikAngABSCBN no. 1 trending topic bago ang talumpati ni Pangulong Duterte

Josiah Antonio, ABS-CBN News


Nanguna sa mga trending topic sa social media ang #IbalikAngABSCBN ilang oras bago ang huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Lunes. 


Number 1 pa rin sa Philippine trends nitong 5:30 pm ang naturang hashtag sa Twitter na karaniwang kaakibat ng mga usapin hinggil sa panunumbalik ng network sa ere.


Ilan sa mga naging tweets ng mga netizens ang mga naging epekto ng pagkawala ng ABS-CBN sa ere at hiling ng publiko na bigyan na muli ng prangkisa ang network.


Narito ang ilan sa mga mga tweets ng mga netizens kasama ang #IbalikAngABSCBN:


 

 

 

Ayon sa National Union of Journalists of the Philippines, mas naging lantaran ang tunggalian sa batas sa ilalim ng administrasyon ni Duterte kabilang na rito ang usapin ng prangkisa ng ABS-CBN. 


“The use of lawfare against the media has never been more blatant. Under the cover of legal processes, the Duterte administration has unleashed the biggest assaults on press freedom with the denial of the ABS-CBN franchise, continuing charges against Rappler, and made-up criminal cases against several community journalists,” anila. 


Milyun-milyong Pilipino ang nawalan ng access sa impormasyon lalo na sa mga malalayong lugar sa gitna ng COVID-19 pandemic matapos mawala sa ere ng network noong Mayo 5, 2020 kasunod ng cease and desist order mula sa National Telecommunications Commission (NTC). 


Noong Hulyo 10, 2020 hindi naipasa sa House of Representatives ang aplikasyon ng network para sa renewal ng prangkisa nito at libo-libong mga empleyado nito ang nawalan ng trabaho.


Sa huling SONA ng pangulo, nagkasa ng kilos protesta ang iba't ibang sektor bitbit ang panawagang siya na ang huling Duterte na uupo sa Malacañang. 


https://news.abs-cbn.com/news/07/26/21/ibalik-ang-abscbn-trends-twitter-sona-2021-rodrigo-duterte

No comments:

Post a Comment

The Scorecard | January 23, 2025