Thursday, May 6, 2021

Angel Locsin sumulat ng tula bilang pag-alala sa ABS-CBN shutdown

Sa tula idinaan ng beteranang aktres at pilantropo na si Angel Locsin ang kaniyang pag-alala sa pagpapasara sa ABS-CBN isang taon na ang nakalilipas. 


Sa kaniyang Instagram account, ibinahagi ni Locsin ang ilang larawan noong nakaraang taon nang ihain ng gobyerno sa pamamagitan ng National Telecommunications Commission ang cease and desist order sa Kapamilya network. 


Ayon kay Locsin, hindi pa rin nawawala ang sakit na idinulot ng pagtigil sa ere ng ABS-CBN noong 2020. 



Ngunit aniya, kinailangang bumangon ng network upang magpatuloy sa pagbibigay ng serbisyo sa publiko sa kabila ng pagkawala nito sa free TV. 


Dagdag pa ng aktres, tuloy ang laban ng mga Kapamilya kahit mayroong mga hindi pa rin nakakaunawa rito. 


Sa huli, binigyang-diin ng host ng “Iba ‘Yan” na ang patuloy na serbisyo ay laging para sa publiko. 


Narito ang kabuuan ng maikling tula na isinulat ni Locsin:


Isang taon na ang lumipas.


Pero ang sakit ay hindi lilipas.


Hirap man,


pero kailangan pa ring bumangon.


Para sa tao.


Hindi man maintindihan ng iba ang nasa puso,


Patuloy pa rin sa pagbangon.


Hindi susuko at patuloy na lumalaban.


Dahil para sa tao.


Laging para sa tao.


Bukod kay Angel, marami ring Kapamilya stars ang umalala sa nangyari sa network, na hindi rin inaprubahan ng Kongreso ang prangkisa, kagaya nina Vice Ganda, Anne Curtis, Kim Chiu, JM de Guzman, at Angelica Panganiban. 


https://news.abs-cbn.com/entertainment/05/06/21/angel-locsin-sumulat-ng-tula-bilang-pag-alala-sa-abs-cbn-shutdown

No comments:

Post a Comment

Kada Umaga | December 23, 2024